Powered By Blogger

Monday, November 16, 2009

Musikang Latin sa Simbahan sa Pilipinas Kailan Sisimulan?

Musikang latin sa Pilipinas Kailan sisimulan? kung ating matatandaan nagpahiwatig ang Santo Papa Benedicto Ika-labing anim na simulan na imulat ang mananampalataya sa mga himig at awitin na latin. Marami sa atin ang hindi kayang intindihin ang ang latin na salita pero, kung atin itong pag-aaralan, mas lalo natin itong maiibigan at maiintindihan, noong ako ay nagpunta sa isang kapistahan sa isang bayan sa Bicol ay ako ay nagulat na mulat at bukas na ang diwa sa ng mananampalataya sa awting latin lalo na nang kanilang awitin ng buong puso ang awiting "Kyrie" at "Credo" sabi ko, buti pa ang bayang ito mulat na mulat na ang diwa at puso ng tao sa awiting latin. malaki ang aking paghanga sa mga paring bikolano na buong puso na nagpalaganap sa mga awiting latin sa kanilang bayan! alam ko rin na hindi madali na imulat ang mata ng tao sa mga awiting latin siyempre maraming batikos, at kontra sa mga bagay na ito. pero masasabi ko na isa itong limot na tradisiyon. na ngayon ay unti-unti na binubuhay ng mga pari na may malaking pag-ibig sa awiting latin. Sa mga karatig bayan kaya sa Pilipinas kailan kaya? Sa Maynila, may mga simbahan na nag-uumpisa na simulan ang mga awiting latin at mga extra tradisyonal na latin na misa o" Extra traditional Latin Mass" o "Tridentine Mass" sa isang parokya sa Alabang sila ay nag mimisa ng latin o "Tridentine Mass" at napansin ko na maraming nagsisimba, maski hindi nila naiintindihan kung ano ang dinadasal ng pari na nagmimisa gayundin sa sikatuna village, araw -araw tuwing ika-3 ng hapon sa sa paggunita ng pagkamatay ni Kristo sa Krus, ito rin ang Divine mercy Hour.

Sana, ang aking panalangin ay simulan na imulat ng mga taga-pagpalaganap ang musika, himig at awiting latin sa mananampalataya, hindi lamang ang mga tagapagpalaganap ang may obligaysyon tayo rin ay may obligasyon na ipalaganap ito.

Kung hindi natin sisimulan ngayon kelan pa?

No comments:

Post a Comment